Home SPORTS Pagtango ng IOC abot-kamay na ng World Boxing

Pagtango ng IOC abot-kamay na ng World Boxing

151
0

MANILA, Philippines — Magandang balita  para kay ABAP chairman Ricky Vargas ang pagdalo niya sa isang World Boxing Executive Board meeting kahapon sa pamamagitan ng zoom sa pag-asang makakuha ng pagkilala sa IOC na malapit na sa katotohanan.

Nakahanda ang IOC na tanggalin ang boksing sa Olympic calendar sa Los Angeles sa 2028 ngunit nagbukas ng mga pakikipag-usap sa World Boxing upang panatilihin ito sa iskedyul sa kondisyon na ang federation ay akreditado.

Matapos tanggalin ang karapatan sa International Boxing Association, pinangasiwaan ng IOC ang boksing sa Tokyo at Paris Olympics.

Gayunpaman, ipinag-utos ng IOC na simulan ang LA Olympics, isang bagong pederasyon ang dapat na humawak sa pagsasagawa ng mga kumpetisyon.

Kailangang matugunan ng World Boxing ang pamantayan ng pandaigdigang representasyon bago tumanggap ng akreditasyon mula sa IOC at sa ngayon, may 44 na miyembro mula sa limang kontinente.

Ang mga bansang sumali kamakailan ay ang Chinese Taipei, Pakistan, Bhutan, Fiji, Ecuador, Japan at Algeria.

Nag-aplay ang Kazakhstan para sa World Boxing membership at malapit na ang pag-apruba sa pagkakatalaga kay Kazakhstan Olympic Committee president at 2004 Olympic silver medalist Gennady Golovkin bilang chair ng World Boxing Olympic Commission.

Sinabi ni Vargas na ang agenda para sa pagpupulong ngayon ay kinabibilangan ng talakayan sa mga paghahanda para sa kongreso sa Colorado Springs, US noong Nob. 3, ulat sa pag-usad ng paghahanap ng pagkilala sa IOC, update sa World Boxing membership, buod ng mga paparating na kaganapan at pagrepaso sa pananalapi.

Ang World Boxing ay pinamumunuan ng Executive Board at president na si Boris van der Vorst ng Netherlands, lahat ay nahalal sa inaugural congress sa Frankfurt noong nakaraang taon. Si Vargas ang nag-iisang Asian sa 14-strong Board.

“Ang pagdaragdag ng boxing powerhouse na Kazakhstan ay magiging malaking tulong para sa World Boxing at pagkakaroon ng legend na si GGG bilang pinuno ng bagong Olympic Commission upang makipagtulungan nang malapit sa IOC para sa pagsasama ng boxing sa LA 2028 program ay tiyak na isang malaking hakbang,” sabi ng ABAP secretary- heneral Marcus ManaloJC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here