Home NATIONWIDE Pahayag ng China ng ‘dangerous maneuvers’ ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc,...

Pahayag ng China ng ‘dangerous maneuvers’ ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc, sinupalpal ng PCG

307
0

MANILA, Philippines – Bumuwelta ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa pahayag ng China na ang Pilipinas umano ang nagsagawa ng “dangerous maneuvers” sa insidente malapit sa Bajo de Masinloc, na nagresulta sa banggaan ng dalawang barko ng China.

“It is not the PCG or the Philippine government that escalates the tension in the WPS. The reason why tension is rising is because of their dangerous actions and illegal presence within our own EEZ,” ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea.

Dagdag pa niya, “If there is one country that escalates the tension in the entire SCS, not just in the WPS, that is the People’s Republic of China because they are deploying their CCG vessels and even PLA Navy warships.”

Ito ay matapos akusahan ng Chinese Ministry of Defense na “ilegal na pumasok” sa Huangyan Dao ang mga barko ng Pilipinas noong Agosto 11 at nagsagawa ng mapanganib na maniobra.

Hindi naman binanggit ng China ang banggaan sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army (PLA) Navy.

Nauna nang sinabi ng PCG na bumangga ang CCG 3104 sa PLA Navy warship 164 matapos habulin ng CCG ang BRP Suluan at magsagawa ng delikadong maniobra. Nabaluktot ang flagpole ng BRP Suluan matapos tamaan ng barko ng PLA Navy.

Kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nasa misyon noon ang PCG upang mamahagi ng ayuda sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc bilang bahagi ng Kadiwa program.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang banggaan ay “unfortunate outcome, but not one caused by our actions.”

Iginiit din ng DFA ang hiling ng Pilipinas na bayaran ng China ang pinsalang idinulot sa mga barko noong Hunyo 17, kabilang ang pagbabalik ng mga nasamsam na kagamitan at personal na gamit ng mga tauhan.

Giit ni Tarriela, walang pananagutan ang Pilipinas sa insidente: “It’s actually their recklessness and their dangerous maneuvers that resulted in the collision… We are not going to pay any accountability for it.”

Ibinunyag din ni Tarriela na hindi nailunsad ng PCG ang kanilang drone sa araw ng insidente dahil umano sa “signal jamming” ng China.

Aniya, “Obviously the intent of the PRC in jamming the signal of our drones is because they know our intention was to get photos and videos… and release it to the public.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here