Home OPINION PAKIKIPAGTULUNGAN SA PCG PINALAKAS NG PAG-IBIG FUND

PAKIKIPAGTULUNGAN SA PCG PINALAKAS NG PAG-IBIG FUND

NOONG ika-24 ng Abril 2024 ang kauna-unahang dayalogo sa pagitan ng Philippine Coast Guard Human Resource Ma­nagement Command (CGHRMC) at Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang PAG-IBIG Fund sa CGHRMC Coast Guard Base sa Taguig city.

Personal na dumalo sa na­sabing pag-uusap si Pag-IBIG Fund Deputy Chief Executive Officer na si Auxiliary Commodore Ale­xander Hilario Aguilar na isa ring miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Execu­tive Squadron. Kasama niya si Auxiliary Rear Admiral Hilda Ong, Chairperson ng Committee on Communications and Advocacy ng CGHRMC Multi-Sector Governance Council.

Isinagawa ang pagkilala at pagtatanong ni CGHRMC CG Rear Admiral Rommel Supangan ang ukol sa mga benepisyo at mga programa para sa miyembro ng Pag-IBIG kaya sinimulan na ni DCEO Aguilar ang pagtalakay sa kung ano ba ang mandato ng HDMF/Pag-IBIG Fund alinsunod sa Republic Act No. 9679 at sa “Bagong Pilipinas” na inisyatiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr.

Nitong Abril 3, 2025, bilang bahagi ng patuloy na pagpapa­lakas ng ugnayan sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at upang higit pang mailapit ang mga benepisyo ng Pag-IBIG Fund sa mga unipormadong kawani, bumisita si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta sa punong himpilan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Port Area, Maynila kamakailan upang magbigay-galang kay Com­mandant Admiral Ronnie Gil Gavan at sa matataas na opisyal ng PCG. Kasama ni CEO Acosta si PCGA Auxiliary Commodore at Deputy CEO Alexander G. Aguilar para sa Marke­ting, Product Development, and Sales Cluster.

Sa naturang pagpupulong, ibi­nahagi ni CEO Acosta ang iba’t ibang programa ng Pag-IBIG Fund na makikinabang ang mahigit 34,000 kawani ng PCG sa buong bansa. Kabilang dito ang Pag-IBIG Housing Loan Program, ang Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings Program, ang 4PH (Pam­bansang Pabahay Para ­sa Pilipino Program), Acquired Assets Group Sale, at ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus.

“Laging handa ang Pag-IBIG Fund na ilapit ang aming mga programa at serbisyo sa ating kapwa lingkod-bayan,” ani CEO Acosta.

“Inaasahan naming ma­tu­lu­ngan ang magigiting na kalalakihan at kababaihan ng Phi­lippine Coast Guard sa pagtamo ng ka­nilang mga benepisyo mula sa Pag-IBIG Fund, upang matugunan ang kanilang pangangai­langang pabahay at mapaigting ang kanilang kaalaman sa pana­nalapi sa pamamagitan ng aming mga savings program.”

Ipinahayag naman ni Admiral Gavan ang kahandaan ng PCG na suportahan ang nasabing ugnayan: “Kami ay handang maglaan ng espasyo sa loob ng aming kampo para sa opisina ng Pag-IBIG upang mas mada­ling ma­kakuha ng serbisyo ang ­aming mga tauhan.”

Binigyang-diin din niya na ang Pag-IBIG Fund ay may malawak na hanay ng mga benepisyo na kan­yang inaasahang mapakikina­bangan nang lubos ng mga tauhan ng PCG, at nagpahayag siya ng tiwala na magbubunga ito ng isang matagumpay at pangmatagalang ugnayan sa pagitan ng da­lawang institusyon.