Home NATIONWIDE Pakistani na nambudol, nasukol ng mga tanod sa Bocaue

Pakistani na nambudol, nasukol ng mga tanod sa Bocaue

175
0

Bulacan – Arestado ang Pakistani habang nakatakas ang dalawa niyang kasabwat na nambudol umano sa isang negosyante sa bayan ng Bocaue noong Enero 24.

Sa ulat ng Bocaue police station, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Akthar”, Pakistan national, habang ang biktima ay isang babaeng negosyante.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang pagsalakay ng mga suspek sa isang establisyimento sa Brgy. Igulot.

Batay sa CCTV footage, habang inaabala ng suspek na si alyas “Akthar” ang biktima, palihim namang kinukuha ng isang kasabwat ang halagang P30,000 sa bag nito kapalit umano ang isang dolyar.

Nabatid na nililihis naman ng isa pang kasabwat ang atensyon ng mga tauhan na nasa tindahan.

Nang makarating ang nangyaring insidente sa mga barangay tanod ay agad silang rumesponde sa lugar kaya naaresto kalaunan ang suspek habang nakatakas naman ang mga kasabwat.

Dinala ng mga Tanod sa nasabing istasyon ang suspek para sa tamang disposisyon habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mahuli ang iba pang nakatakas na suspek. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here