MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa PAGASA, ang kaparehong weather condition ay mararanasan sa Batanes at Babuyan Island dahil naman sa shear line.
Ang Aurora at Quezon naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms. RNT/JGC