MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang nitong Huwebes ang mga ulat na papalitan na si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno, kasunod ng kalituhan sa isang dokumentong nagsasaad na ang kanyang appointment date ay Pebrero 2, 2026, kahit nanumpa siya noong Hunyo 30, 2025.
Nilinaw ni Palace Press Officer Claire Castro na walang katotohanan ang naturang ulat.
“Ang kumakalat na sinasabing papalitan si Commissioner Ariel Nepomuceno ay wala pong katotohanan (Reports peddled around that Commissioner Ariel Nepomuceno will be replaced is not true),” ayon kay Castro sa isang press briefing.
Dagdag niya, isusumite ang naturang dokumento sa National Bureau of Investigation para sa beripikasyon.
Wala rin umanong bagong update hinggil kay Environment Secretary Raphael Lotilla, na tatlong beses nang na-bypass ng Commission on Appointments. Itinanggi rin ni Castro ang mga espekulasyon tungkol sa malawakang reshuffle ng mga presidential appointees. RNT