Home HOME BANNER STORY Palit-liderato sa Senado itinanggi ni Jinggoy: ‘Di ko siya papalitan

Palit-liderato sa Senado itinanggi ni Jinggoy: ‘Di ko siya papalitan

MANILA — Itinanggi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang usapan tungkol sa pagpapalit ng liderato ng Senado ngayong Lunes, Setyembre 23.

“Anumang haka-haka na lumalabas na ako raw ang papalit bilang Senate President, hindi po totoo yan. Wala po akong balak. Nagtataka ako at nagugulat ako dito sa mga kumakalat ng mga usap-usapan na papalitan na raw ang ating Senate President. Wala pong katotohanan,” ani Estrada sa isang press conference sa Senado.

Itinanggi ni Estrada na may namumuong kaguluhan sa mga senador at hindi niya rin umano alam kung saan nagsimula ang tsismis.

“Walang kumakausap sa kin, walang lumalapit sa akin. I am supportive of the leadership of Senate President Escudero. And he’s doing a good job,” aniya pa.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni Jinggoy na mayroong mga sumubok ng kudeta laban kay Escudero, pero itinanggi niyang may kinalaman siya rito.

Dagdag pa niya na hindi makatutulong sa Senado ang isa na namang palit-liderato.

“Siyempre hindi dahil maantala naman yung mga legislative agenda natin.”

“Well, in fairness to the Senate President, marami tayo na ipasa bago tayong mag-adjourn itong week. Halos lahat ng mga legislative agenda ng administration ay naipasa naman natin lahat,” giit pa niya. RNT