Home NATIONWIDE Pamahalaan nananatiling committed sa transition efforts ng BARMM – OSAP

Pamahalaan nananatiling committed sa transition efforts ng BARMM – OSAP

289
0

MANILA, Philippines – Nananatiling handa ang pamahalaan sa pagsuporta sa transition efforts ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ayon sa Office of the Special Assistant to the President nitong Biyernes, Agosto 8.

Ito ay kasabay ng pagdalo ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. sa Chief Minister Hour sa Bangsamoro Government Center, na naglatag ng mga pamamaraan ng Marcos administration para masiguro ang mapayapang proseso, makabuluhang awtonomiya, at inclusive development sa rehiyon.

Sa pakikipag-usap sa mga lider ng Bangsamoro, tinukoy ni Lagdameo ang pagkilala ng pamahalaan sa hakbang ng BARMM sa pagsiguro ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

“The progress we have seen in BARMM is a product of cooperation, trust, and shared vision. The national government remains fully supportive of the region’s transition efforts, and we look forward to deeper collaboration to uplift the lives of our fellow Filipinos in the Bangsamoro,” saad sa pahayag ni Lagdameo.

Itinakda ang parliamentary polls sa BARMM sa Oktubre 13.

Kinilala naman ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ang pagbisita ni SAP Lagdameo bilang malakas na signal ng pagtutulungan at kumpiyansa sa mga institusyon ng BARMM.

Iginiit niya na ang mga ganitong aktibidad ay bumubuo ng momentum para sa epektibong pamamahala at mapayapang political transformation.

Ang Chief Minister’s Hour ay nagsisilbing plataporma para sa usapin sa pagitan ng mga Bangsamoro leadership at national partners para magbigay ng update sa key regional developments.

Si Lagdameo ay sinamahan ng mga opisyal mula sa Office of the President, Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity, at mga miyembro ng Bangsamoro Cabinet. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here