Home NATIONWIDE Pamamahagi ng P5B dagdag-pondo sa 4Ps inaprubahan ng DBM

Pamamahagi ng P5B dagdag-pondo sa 4Ps inaprubahan ng DBM

198
0

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P5 billion para sa karagdagang pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), flagship anti-poverty program ng gobyerno sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na ang karagdagang pondo ay huhugutin muma sa 2023 Continuing Appropriations at gagamitin para i-cover ang 2023 4Ps grants sa arrears, nagresulta ng deactivation/suspension ng 4Ps beneficiaries sa 703,888 pamilya.

“Makakatulong po ito para maibsan ang epekto ng inflation sa ating mga kababayan . The DBM will do its part to streamline budget processes so that our citizens benefit from faster and more efficient delivery of essential services such as our 4Ps,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Ang alokasyon ayon sa Kalihim, pahihintulutan ang DSWD na ipagpatuloy ang “critical work without interruption, providing much-needed assistance to our most vulnerable citizens” nito.

Matatandaang, sa pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., iniuulat nito na mahigit sa 420,000 pamilya ang gradweyt na mula sa programa o na -assessed o nasuri bilang “self-sufficient” sa loob lamang ng isang taon.

Ang 4Ps ay nagbibigay ng conditional cash transfers sa mga indigent households para mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon at education outcomes. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here