Home NATIONWIDE Pamilya Discaya nasa Pinas pa, lahat ng imbestigasyon handang harapin – abogado

Pamilya Discaya nasa Pinas pa, lahat ng imbestigasyon handang harapin – abogado

292
0

MANILA, Philippines – Nakanda ang pamilya Discaya na harapin ang lahat ng imbestigasyon na isinasagawa kaugnay ng mga kontrobersya sa flood control projects.

Sa ginanap na pulong-balitaan, tiniyak ni Atty. Cornelio Samaniego III, tagapagsalita ng pamilya Discaya, na buo ang kanilang kooperasyon dahil wala umano silang itinatago.

Patunay umano rito ang kanilang pagdalo sa mga pagdinig ng Senado, maging ang pagprisinta ng mga luxury vehicles na hinahanap ng Bureau of Customs.

Ayon sa abogado, nakakalungkot umano na sa 15 kontraktor na pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos, tanging ang pamilya Discaya ang pinupuntirya.

Aniya, bugbog na bugbog na ang kaniyang kliyente lalo na sa social media. Ito rin umano ang dahilan kaya magsasalita na sila upang maibigay ang kanilang panig sa usapin.

Makikipagtulungan din aniya sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinasagawang pagsisiyasat.

Ngunit paglilinaw ng abogado, mayroon silang tax clearance hanggang Enero 2025 na patunay na maayos na nagbabayad ng buwis ang pamilya Discaya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here