Manila, Philippines- Binawian na ng buhay ang hipag ni Ruffa Gutierrez na si Alexandra Joelle Uichico Gutierrez.
Si Alexandra, 38, ay asawa ni Elvis na nakababatang kapatid ni Ruffa.
Elvis’ wife succumbed to leukemia.
Ruffa took to social media how devastated she is over the death of Alexandra who she describes as “loving wife, mother and friend.”
Bukod kay Elvis, naulila din ni Alexandra ang kanilang dalawang anak na sina Aria at Ezra.
Kamakallan lang, humingi pa ng panalangin si Ruffa para sa kanyang “struggling” na hipag.
Ayon sa ulat, nitong January ay labas-masok si Alexandra sa ospital.
Maging ang biyenan nitong si Annabelle Rama ay panay ang dasal para sa ikagagaling ng aniya’y napakaganda pa ring babae para sa kanya despite her loss of hair.
Hanggang sa kanyang pagpunta sa Cebu ay nag-aalay ng mga panalangin si Annabelle sa simbahan ng Sto. NiƱo doon.
Nagpost naman si Elvis ng photos nila ni Alexandra and separately with their kids.
Kabilang ss mga naunang nagpahatid ng kanilang pakikiramay ay mula sa showbiz circle of friends ni Ruffa tulad nina Marjorie Barretto (and daughter Dani), Karla Estrada at Jackie Forster.
Mula sa Remate Online, ang aming tauspusong pakikidalamhati sa Gutierrez family. Ronnie Carrasco IiI