MANILA, Philippines – Wala pang plano ang mga pamilya ng mga namatay sa Traslacion na magsampa ng reklamo laban sa Quiapo Church, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes, Enero 12.
Sa isang press conference, sinabi ng spokesperson ng NCRPO na si Police Major Hazel Asilo na wala pang sinumang pamilya ng mga namatay ang nagpahayag ng intensyon na gawing responsable ang Minor Basilica of Jesus Nazareno, ang nag-organisa ng taunang kaganapan, sa mga pagkamatay sa mahabang prosesyon.
Apat na katao ang naiulat na namatay sa Traslacion, na nagsimula noong Biyernes at natapos noong Sabado.
Ang Traslacion ngayong taon ay tumagal ng 30 oras, 50 minuto, at 1 segundo, ang pinakamahaba sa kasaysayan nito.
Kabuuang 9,640,290 katao ang nakibahagi sa prosesyon, ayon sa simbahan.
Ayon sa datos mula sa Quiapo Church, may kabuuang 1,057 medical cases ang naitala sa relihiyosong pagdiriwang. Jocelyn Tabangcura-Domenden