MANILA, Philippines – Tumanggi ang pamilya na isailalim sa otopsiya ang yumaong Vice Mayor ng Dueñas na si Aimee Paz Lamasan.
Patuloy ang imbestigasyon ng Special Investigation Team (SIT), ngunit tumanggi rin ang live-in partner ni Lamasan, dating direktor ng Office of Civil Defense Region VIII na si Lord Byron Torrecarion, na sumailalim sa paraffin test.
Sarado sa media ang burol ni Lamasan.
Ayon sa naunang ulat, namatay si Lamasan noong Enero 1 matapos marali sa tiyan habang inaayos umano ang isang 9mm na baril sa kaniyang tahanan sa La Paz, Iloilo City.
Inatasan ng Police Regional Office VI ang SIT upang ituon ang kaso. Santi Celario