Home IN PHOTOS Pamilya Villar naghatid ng kasiyahan sa mga bata ng Baseco

Pamilya Villar naghatid ng kasiyahan sa mga bata ng Baseco

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Sa diwa ng Kapaskuhan, ang pamilya Villar, sa pangunguna nina Senators Cynthia at Mark Villar, ay nagsagawa ng kanilang tradisyunal na gift-giving para sa 50 bata mula Baseco, Tondo, na ginanap sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City noong Sabado.

“Malapit sa puso namin ang Tondo dahil diyan lumaki ang aming ama, kaya hindi namin kayo makakalimutan,” sabi ni Senator Mark Villar.

Ang mga bata mula sa Tondo, Maynila, ay dinala sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City para sa selebrasyon.

“We hope through this celebration, we are able to spread joy to the kids and their families this holiday season,” wika naman ng senadora. Cesar Morales