Home METRO Pamilyang nasunugan sa Parola Compound, sa Maynila, aayudahan

Pamilyang nasunugan sa Parola Compound, sa Maynila, aayudahan

36
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng pambansang pamahalaan na makakatanggap ng cash assistance ang mga nasunugan sa Parola Compound sa Maynila.

Sa kanyang pagbisita sa Delpan Sports Complex sinabi ng Pangulo na makakatanggap ng P30 libo ang bawat pamilyang nawalan ng tirahan mula sa National Housing Authority (NHA).

Iba pa ito sa tulong mula sa Department of Human Settlement and Urban Development o DHSUD.

Kasama ng bumisita ng pangulo si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso at ilang mga opisyal at kawani ng Department of Social Welfare and Development upang tignan at matiyak na maihatid ang pangangailangan ng mga nasunugan.

Sa ulat, mahigit dalawang libong pamilya ang nawalan na bahay nang sumiklab ang sunog noong Sabado ng hapon at naapula pasado alas 12 na ng madaling araw noong Linggo.

Umabot ang sunog sa Task Force Charlie. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here