Home METRO Pananambang sa 4 sundalo sa Maguindanao Sur tatalupan ng Senado

Pananambang sa 4 sundalo sa Maguindanao Sur tatalupan ng Senado

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Jinggoy Ejercito Estrada nitong Miyerkules, Abril 17,  sa Senado na talupan ang pananambang sa apat na sundalo ng Army sa Maguindanao del Sur upang masuri ang sitwasyon ng kapayapaan at seguridad sa lugar.

“Despite immense government resources being put into comprehensive peace efforts and addressing the root causes of insurgency and violent extremism over the years through a whole-of-nation approach, the scourge threatening security and stability in the area remains,” ani Estrada sa isang pahayag.

Sinabi niya na inihain niya ang Senate Resolution No. 984 na humihiling sa pamunuan ng Senado na idirekta ang naaangkop na komite na gamitin ang mga tungkulin sa pangangasiwa ng itaas na kamara sa pagtiyak na ang “mga kinakailangang hakbang” ay nasa lugar upang gawing ligtas at secure ang bansa.

“In light of the threat of continued attacks, the public must be assured that the military establishment and law enforcement authorities are on top of the situation. Preserving and promoting lasting peace are paramount interests of the State as it aims to attain inclusive development and sustainable economic growth,” dagdag pa niya.

Ang apat na sundalo, na nakasuot ng sibilyan, ay bumibili ng pagkain para sa “Iftar” ng Muslim community malapit sa kanilang kampo nang tambangan sila ng mga hinihinalang teroristang Dawlah Islamiya (DI) sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Marso 17.

Ang “Iftar” ay ang pag-aayuno ng mga Muslim pagkatapos ng paglubog ng araw sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan. RNT