HINIKAYAT ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang sambayanang filipino na pagnilayan ang kanilang pananampalataya at debosyon sa Panginoon upang sa gayon ay makapagsilbi sa ibang tao lalo na sa mga nangangailangan.
Sa naging mensahe ng VP Sara, sinabi nito na ipinagdasal niya ang “blessedness” o pagpapala na magsilbing paalala sa Filipino Christian community ng “God’s compassion, mercy, and enduring love.”
“Let us solemnly reflect on the profundity of their faith and devotion to God – and pray that their blessedness will guide us down the path where we are called to serve the poor, the oppressed, the sick, and the dying,” ayon pa rin kay VP Sara.
Umaasa rin si VP Sara na hihilingin din ng mga tao sa Panginoon ang “continued blessing of strength and healing as a nation.”
“Let us pray for protection against calamities, disasters, wars, and forces that may threaten our unity and cause human suffering or death,” dagdag na wika ni VP Sara.
Samantala, ang Araw ng mga Patay ay ay ipinagdiriwang sa unang araw ng Nobyembre.
Sa Pilipinas, ito ay nagsimula bilang pagdiriwang ng mga Katoliko, kung kailan bumibisita sila sa libingan ng kanilang yumao na kamag-anak at kaibigan.
Ipinagdarasal nila na ang mga kaluluwa ng namatay ay makaalis sa Purgatoryo at makaabot sa langit.
Purgatoryo ang tawag sa lugar ng mga kaluluwa na wala pa sa perpektong kalagayan.
Nagdarasal ang mga Katoliko na makaalis ang mga kaluluwa sa purgatoryo at makapapasok sa langit upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Ang mga bumibisita sa sementeryo ay nag-aalay rin ng mga bulaklak at nakasinding kandila sa puntod ng mga namatay.
Habang ang Araw ng mga Kaluluwa, o All Souls’ Day sa Ingles, ay ang pag-alaala sa mga mananampalayatang sumakabilangbuhay.
Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Kaluluwa ay tuwing Nobyembre 2.
Ang araw na ito ay pinagdiriwang ng mga Katoliko, ng mga Anglikano, Matandang Simbahang Katoliko, at ng mga Protestante.
Ang pagdiriwang ng mga Romano Katoliko ay nakabatay sa doktrina na ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya sa kanilang kamatayan ay hindi pa nalilinis sa mga kasalanang mortal.
Ang Araw ng mga Kaluluwa ay tinatawag ding Pista ng mga Kaluluwa.
Ang opisyal na tawag nito sa Latin ay Commemoratio omnium Fidelium Defunctorum.