Home HOME BANNER STORY Panawagang ‘Marcos resign’ pointless; destab plot galing mismo sa administrasyon – VP...

Panawagang ‘Marcos resign’ pointless; destab plot galing mismo sa administrasyon – VP Sara

259
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Bise Presidente Sara Duterte na “pointless” o walang saysay ang panawagang magbitiw sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil aniya ay hindi ito kailanman aalis sa kapangyarihan gaya ng kanyang ama.

“Never ask him to resign. That is a pointless call. Hindi magre-resign ‘yan. Nakita niyo ba yung tatay?… That’s a pointless call,” pahayag ni Duterte sa isang press briefing sa Zamboanga City.

Nilinaw niyang hindi niya hinihiling ang pagbibitiw ni Marcos kundi ang “gawin niya ang kanyang trabaho,” na umano’y “alam nating lahat na hindi niya ginagawa.”

Giit ni Duterte, ang hinihingi niya sa Pangulo ay ang magpa-drug test, alinsunod sa hamon ni dating executive secretary Vic Rodriguez.

“Pag sinabi ng bayan magpa-drug test ka, hindi ka pwedeng magsabi ng hindi… that is betrayal of public trust,” aniya.

Idinagdag pa niyang ang pagpirma ni Marcos sa 2025 national budget ay isang “culpable violation of the Constitution.”

Tungkol naman sa umano’y destabilisasyon, sinabi ni Duterte na ang isyu ay “nanggagaling lang sa administrasyon.” “Walang nagpaplano ng destabilization… natatakot lang yung administration sa lakas ng boses ng mga tao,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Duterte, kung meron mang grupo na nagbabalak pabagsakin ang gobyerno, ito ay ang Makabayan bloc sa Kongreso.

Pinabulaanan din ni Duterte na konektado siya kay Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga Jr., na sumama sa protesta na nanawagan ng pagbibitiw ni Marcos. “Hindi ko pakawala si Kiko Barzaga. He is his own person,” aniya, at binigyang-diin na may karapatan ang bawat Pilipino na magsalita laban sa pamahalaan.

“Unfortunately, meron tayong administrasyon na hindi matanggap na may mga taong hindi natatakot at hindi nabibili ng pera,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here