Home NATIONWIDE Pangangalampag ni Senator Bong Go sa utang ng Gobyerno sa healthcare workers,...

Pangangalampag ni Senator Bong Go sa utang ng Gobyerno sa healthcare workers, may resulta na!

310
0

MANILA, Philippines – Nagbunga ang pangangalampag ni Senate Committee on Health Chairman Senator Bong Go para mabayaran na ang halos P7 bilyong allowances na natitirang utang ng pamahalaan sa healthcare workers.

Ito ang naging reaksyon ng ilang healtchare professionals, kasunod ng anunsyo ng Department of Health (DOH) sa public hearing ng komite ni Go kahapon:

May pondo nang ilalabas ang Department of Budget and Management (DBM) para bayaran ang health emergency allowance (HEA).

Noon pang covid pandemic, naisabatas ang HEA para sa healthcare workers, ngunit inabot ng ilang taon bago ito unti-unting nabayaran.

Sa lumabas na 14 public hearings ng Health Committee, hindi tinigilan ni Go ang DBM at DOH; lalo pa’t “service rendered” raw ito at pinaghirapan ng healthcrae workers.

Pagtitiyak pa ni Senator Bong Go, babantayan ng kanyang komite hanggang sa aktwal nang matanggap ng healthcare workers and kanilang HEA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here