Home NATIONWIDE Pangilinan naghain ng “Last Mile Schools Act” para sa liblib na paaralan

Pangilinan naghain ng “Last Mile Schools Act” para sa liblib na paaralan

184
0

MANILA, Philippines – Naghain si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ng Senate Bill 1842 o ang “Last Mile Schools Act” upang gawing permanente ang suporta sa mga pampublikong paaralan na nasa liblib, mahihirap, at conflict-affected na lugar.

Ayon sa panukala, maituturing na “last mile school” ang isang paaralan kung ito ay may mas mababa sa apat na silid-aralan, kulang sa limang guro, walang sapat na pondo maliban sa pang-repair, walang maayos na kuryente, may higit 75% na katutubong mag-aaral, at mahirap marating.

Layunin ng panukala na punan ang kakulangan sa akses sa dekalidad na edukasyon sa malalayong lugar sa pamamagitan ng pag-aatas sa Department of Education (DepEd) na magpatupad ng mga intervention tulad ng karagdagang learning tools, student support services, teacher training, at school assessments.

Inaatasan din ang pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa access roads, Department of Energy (DOE) para sa elektripikasyon, at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digital infrastructure. Makikipag-ugnayan din ang DepEd sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), National Electrification Administration (NEA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga lokal na pamahalaan.

Binigyang-diin sa panukala na mahalaga ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya upang masuportahan ang imprastraktura tulad ng kalsada, kuryente, at internet para sa mga last mile school. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here