Home HOME BANNER STORY Pangunguna sa 2028 presidential poll survey ipinagkibit-balikat lang ni VP Sara

Pangunguna sa 2028 presidential poll survey ipinagkibit-balikat lang ni VP Sara

MANILA — Minaliit ni Bise Presidente Sara Duterte nitong Lunes ang resulta ng survey kamakailan ng Pulse Asia na nagpapakita na siya ang lumabas bilang nangungunang kandidato para sa 2028 presidential elections.

Ang Pulse Asia Survey, na inilabas noong Abril 2, ay nagpakita na si Duterte at Sen. Raffy Tulfo na statistically tied sa unang pwesto sa mga nangungunang pagpipilian para sa susunod na pangulo.

“Napakalayo pa kasi ng 2028 para pag-usapan siya ngayon,” ani Duterte sa reporters sa Pasig City.

“Ang ginagawa lang natin ngayon, at ang kailangan nating gawin lahat ay magtrabaho muna. Mag-contribute tayo lahat sa nation building,” giit pa niya.

Sa unang bahagi ng taong ito, pinalutang ni Duterte ang ideya ng pagtakbo sa “susunod na halalan”, na sinasabi na ang kanyang mga kapatid na sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Rep. Paolo Duterte, ay hindi na maghahanap ng mga lokal na elective post.

Tumanggi rin si Duterte na kumpirmahin ang kanyang desisyon at sinabi na ang kanyang mga pahayag ay na-out of context lamang. Santi Celario