Home OPINION MAHIGIT P100B TARGET NA COLLECTION NG SSS NGAYONG 2024

MAHIGIT P100B TARGET NA COLLECTION NG SSS NGAYONG 2024

UMAASA ang pamunuan ng SSS o Social Security System mahihigitan ang Php 83 billion net income ng 2023 dahil sa stock market investments nito at sa kontribusyon ng mga bagong miyembro, at target nito ang Php 100 billion ngayong 2024.

Ayon kay SSS PCEO Rolando Macasaet, malaki ang nakita niyang posibilidad ng pagkakamit ng profit goal ng ahensiya dahil sa higit na pagdami ng mga miyembro na ngayon ay nasa 42 million na at madaragdagan ng dalawang milyon bawat taon.

Paliwanag ni PCEO Macasaet, kailangan ng mga bago at maraming miyembro ang kanilang ipapasok na kontribusyon ang siyang sasangga sa inaasahang paglaki ng pension costs at ang aging population.

Inaasahan na aabot hanggang Php 278 billion ang ilalabas ng SSS para sa benefit payments ng 3.6 milyon na miyembro. Sasandig din umano ang social pension agency buhat sa kikitain sa stock market.

Mahihigitan din umano ang pumasok na investments noong nakaraang taon na Php 53.08 bilyon noong taong 2023.

Sasabayan din ng mas agresibo pang kampanya kontra de­linquent employers.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, ang employer na hindi nag-rehistro at nagpasok ng kontribus­yon  ng kanilang mga empleyado ay may multang mula P5,000 hanggang P20,000 o pagkakulong ng mula anim (6) na taon at isang araw at hanggang labingdalawang (12) taon batay sa kautusan ng Korte.

Nakapagsagawa na ng RACE operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.

Sa RACE ay maipakikita ng SSS ang pwersa nito na ipatupad ang batas sa mga pampublikong lugar at tugunan ang mga isyu ng mga miyembro nito. Isa itong paraan para itanim sa isipan ng mga employer ang kanilang responsibilidad, at magkaroon ng batayan sa paghuli at pagsampa ng kaso laban sa mga delingkwenteng employer na lumalabag sa Republic Act 8282 o Social Security Law.

Ang RACE ay isang paalala sa employers na tuparin ang kani­lang mga tungkulin sa SSS at pati na rin sa mga empleyado na karapatan nilang magkaroon ng benepisyo mula sa pension fund.

Isa po itong paalala sa publiko na ang pundasyon ng ating eko­nomiya ay ang mga manggagawa.

Kaya dapat lamang na sila ay pangalagaan at siguruhin ng pamahalaan na may social protection sila.

Wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon kung hindi dahil sa ating mga manggagawa.

Nais ng ahensya na pangalagaan ang ating mga kasalukuyang empleyado, na sa darating na panahon, ay dapat makinabang sa kanilang mga pinaghirapan ngayon.