Home Uncategorized Pangungutang ng Marcos admin humina noong Abril

Pangungutang ng Marcos admin humina noong Abril

MANILA, Philippines- Bumaba ang paghiram o pangungutang ng administrasyong Marcos kapwa sa domestic at foreign lenders nito lamang Abril ng taong kasalukuyan.

Iniulat ng Bureau of Treasury na ang kabuuang gross financing para sa national government noong nakaraang buwan ay nagkakahalaga ng P89.2 billion, bumaba ng 31% kumpara sa P129.9 billion noong Abril ng nakalipas na taon.

Ipinapakita sa Treasury data na ang pagbawas sa foreign borrowing ang pangunahing dahilan ng pagbaba sa pangungutang ng kasalukuyang administrasyon.

Ang borrowing mula sa international markets ang nakapaghayag ng 79% na pagbaba na umabot sa P6.84 billion mula sa P33.78 billion sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Tiniyak naman ng Treasury na ang foreign borrowing sa panahong ito ay nakuha lamang mula sa development partners para pondohan ang project loans.

“In parallel, local government financing also dropped 14 percent from P96.13 billion in April of the previous year to P82.36 billion,” ayon sa Treasury.

Sinasabing mayorya ng local borrowing ay nagmula sa pinagbentahan ng Treasury bonds na nagkakahalaga ng P67.36 billion, habang ang natitirang balanse ay P15.1 billion mula naman sa benta ng Treasury bill.

“The total amount in April contributed to President Marcos’ cumulative borrowing for the first four months, hitting to P1.163 trillion,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, ang ‘foreign financing’ mula Enero hanggang Abril ay nakapagtala ng 62% na pagbaba sa P124.1 billion mula P328.8 billion.

Ngayong taon ng 2024, plano ng administrasyong Marcos na humiram ng P2.6 trillion kapwa mula sa local at foreign financial institutions. Kris Jose