Home NATIONWIDE Paninindigan ng mga kandidato sa isyu ng WPS, malaking usapin sa 2028...

Paninindigan ng mga kandidato sa isyu ng WPS, malaking usapin sa 2028 polls

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng maging isa sa pinakamalaking usapin sa 2028 national elections ang paninindigan ng mga kandidato sa West Philippine Sea, ayon kay dating Supreme Court Justice Francis Jardeleza.

Naniniwala rin si Jardeleza na maaaring mahati ang opinyon ng mga kandidato sa usapin ng panibagong kaso laban sa China.

Sinabi niyang karamihan sa mga Pilipino ay pabor sa pagtatanggol sa West Philippine Sea, ngunit iba ang usapin kapag tinanong kung sang-ayon silang magsampa muli ng kaso.

Aniya, dito maaaring lumitaw ang pagkakaiba ng mga pananaw ng mga kandidato.

Binanggit din niya na malaking bahagi ng mga botante sa susunod na halalan ay mula sa Millennials at Gen Z.

Ayon sa kanya, tinatayang bumubuo ang dalawang henerasyon ng humigit-kumulang 65 porsiyento ng kabuuang electorate.

Aniya, mas bukas ang mga kabataang botante sa usapin ng soberanya at pagtatanggol sa karapatan ng bansa.

Ang talakayang ito ay sa harap ng ika-6 taon anibersaryo ng Arbitral ruling kung saan iginiit din ni Jardeleza ang pagpapasara kung magsasampa ng panibagong kaso laban sa China.

Sinabi pa ng dating Mahistrado na handang isulong ang paghahain ng panibagong kaso dahil ang usapin ay hindi lamang tungkol sa diplomasya kundi sa pagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here