Home NATIONWIDE Panukalang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ng Arsobispo

Panukalang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas, tinutulan ng Arsobispo

MANILA, Philippines – Hindi pabor ang isang Arsobispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas.

Binigyan-diin ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati.

“We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa Radio Veritas.

Ayon sa arsobispo, dapat paglaanan ng pamahalaan ng mas malaking pondo sa Mindanao para sa kaunlaran ng rehiyon.

Aniya, kapag may nagaganap na digmaan at pinsala ay saka lamang naglalaan ng karagdagang pondo.

“Sometimes, we act only if blood is shed to wake us up and give in to the request. Let’s not wait for that. I am for the preservation of our land of our Country the Philippines,” ayon pa kay Archbishop Jumoad.

Unang umalma si Camiguin Representative Jurdin Jesus Romualdo sa isinusulong na panukala ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at Rep. Pantaleon Alvarez na ihiwalay ang Mindanao.

Sinabi ng mambabatas na ang hakbang ng dating pangulo at ni Alvarez ay paglabag sa 1987 Constitution na may kaakibat na kaso ng ‘sedition.’

Sinasaad sa batas ang pagtatanggol sa soberanya at teriyoryo ng Pilipinas, at nagbabawal sa anumang anyo ng paghahati.

Nangangamba rin ang mambabatas at mga taga-Mindanao sa maaaring epekto ng hakbang sa pambansang katatagan at pagkakaisa at maka-apekto sa soberanya, pagkakaisa, at umiiral na batas sa Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHakbang ng pamahalaan sa pagpapaunlad sa Mindanao, nagbubunga na – DBM
Next articleDICT pagpapaliwanagin sa cyberattacks sa gov’t websites