Home NATIONWIDE Panukalang taas-taripa sa imported baboy, isinusulong ng DA

Panukalang taas-taripa sa imported baboy, isinusulong ng DA

1
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang pagtataas ng tariff sa imported pork habang bumababa ang farmgate prices at tumataas ang imports at pork inventories sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., napag-usapan na nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ibalik ang pork tariffs sa antas bago ang African Swine Fever habang unti-unting bumabangon ang lokal na produksyon.

Iminumungkahi ng DA na itaas sa 2027 ang tariff ng pork ng 10 percentage points—mula 15% sa in-quota at 25% sa out-quota imports, magiging 25% at 35%, ayon sa pagkakasunod.

Sa 2028, target namang itaas ito sa 30% para sa in-quota at 40% para sa out-quota imports.

Ayon sa DA, tumaas ng 6% ang lokal na produksyon ng baboy sa unang kalahati ng 2026, kasabay ng mataas na pork imports at inventories.

Bumagsak naman ang farmgate price sa P150 kada kilo noong Agosto 2026 mula P215 kada kilo noong Hunyo 2025, na nagpababa sa kita ng mga hog raiser at nagpahirap sa kanilang pagpaparami muli ng alagang baboy.

Nakipagpulong si Tiu Laurel sa mga grupo ng hog industry na humihiling din ng time-bound quantitative restrictions, local shipping permits at testing sa imported frozen meat, mas mahigpit na pagsusuri sa mga shipment na idinedeklara sa mas mababang tariff category, at updated reference value para maiwasan ang undervaluation.

Hiniling din ng industriya ang hiwalay na tariff line para sa frozen pork jowls, na anila’y lumalaki ang imports dahil sa mas mababang tariff nito.

Tutol si Tiu Laurel sa panibagong tariff cuts sa imported meat at corn, at sinabing kailangang balansehin ang pagpapababa ng presyo ng pagkain sa panandalian at ang pagpapanatili ng lokal na livestock production.

Humingi rin ang hog industry ng tulong sa DA at Development Bank of the Philippines para sa financing na magbibigay-daan sa pag-access sa US Department of Agriculture facility para makapag-import ng feed raw materials gaya ng corn, wheat at soybeans. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here