MANILA, Philippines- Inirekomenda ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Malacañang na muling pag-aralan ang kaso ng dalawang recruiter ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay PAO Chief Percida Rueda Acosta, parehong biktima rin sina Julius Lacanilao at Maria Cristina Sergio na kapwa nakakulong ngayon sa Pilipinas.
Sinabi ni Acosta na walang kinalaman ang dalawa sa mga nahuling droga sa bagahe ni Veloso noong ito ay nagtungo sa Indonesia.
Ang naging papel lamang umano ng dalawa ay tinulungan si Veloso na magproseso ng kanyang mga papel at nagbigay ng pamasahe patungong Indonesia.
Hindi naman aniya tutol ang PAO sa anumang igagawad ng gobyerno ng Pilipinas na pagpapatawad kay Veloso ngunit dapat din aniyang isama sa pag-aaralan ang kaso nina Lacanilao at Sergio.
Ang kaso nina Lacanilao at Sergio ay hawak ng Public Attorney’s Office. Teresa Tavares