Home HOME BANNER STORY PAOCC magsasampa ng ‘serious, non-bailable charges’ vs Guo

PAOCC magsasampa ng ‘serious, non-bailable charges’ vs Guo

MANILA, Philippines- Maghahain ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng ‘serious’ at ‘non-bailable’ criminal charges laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at  iba pa.

Sa katunayan, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na nakatakda silang magpulong sa Hunyo 18, araw ng Martes, para pag-usapan ang paghahain ng kaso laban kay Guo.

Aniya pa, masigasig ang PAOCC na maghain ng criminal charges sa Department of Justice (DOJ).

“So, we can expect the charges, criminal charges would be filed against a good number of people on Friday with regards to the Bamban operation,” ang sinabi ni Casio nang tanungin kung anong kaso ang maaaring ihain laban kay Guo.

Ang mahalaga ani Casio ay may malakas na ebidensya ang PAOCC laban kay Guo kung saan ang pangalan at pirma ay lumutang sa napakaraming dokumento.

Tinitingnan din ng PAOCC ang posibleng koneksyon sa pagitan ng illegal activities ng Philippine Online Gaming Operators (POGO) sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Sa kabilang dako, nagpapatuloy naman aniya ang imbestigasyon ng kaso ukol sa Porac operation.

“An inventory is set to be concluded on Saturday, which means that looking into the pieces of evidence will follow,” pahayag niya.

Sinabi rin niya na may kaukulang hakbang na isasagawa matapos suriing mabuti ang mga piraso ng ebidensya. Kris Jose