Home NATIONWIDE PAOCC nagpasaklolo sa PAGCOR sa paghuli sa foreign POGO workers

PAOCC nagpasaklolo sa PAGCOR sa paghuli sa foreign POGO workers

144
0

MANILA, Philippines- Nagpatulong na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tumulong sa pagsakote sa mga foreign workers sa pinatigil na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) para maibalik ang mga ito sa kani-kanilang bansa.

Sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio, may 38 pang POGOs ang legal na nag-ooperate sa bansa sa gitna ng POGO ban.

Sa katunayan, may foreign workers mula POGOs ang binigyan ng hanggang Oktubre 15 para i-downgrade ang kanilang 9G visas sa tourist visa. Mayroon lamang hanggang katapusan ng taon ang mga ito para umalis ng Pilipinas.

“Kami ay nananawagan, sa pakikipagtulungan ng ibang mga ahensya, lalo na sa regulatory authority ng PAGCOR, dapat kalampagin nila itong mga ito na umalis na ngayon. Bakit po? Kapag hindi umalis ang mga iyan ngayon, ang marami sa mga ‘yan ay naghahanap ng paraan paano makapag-underground at maging mga iligal,” ang sinabi ni Casio.

“So ‘yun ang problema, habang pinatatagal po natin ang mga iyan, ay nakakahanap ng paraan ang mga ‘yan para manatili pa rin sa bansa natin. There are so many regulatory loopholes as far is gambling is concerned kaya nagmamakaawa ho kami para masunod natin ‘yung direktiba ng Pangulo na mapaalis na ito nang tuluyan,” dagdag na wika nito.

Samantala, binigyang-diin ni Casio na may mga foreign POGO workers ang dapat nang umalis ng bansa dahil na rin sa wala nang working visa ang mga ito.

“Maraming matitigas ang ulo, kasing titigas ng marmol ang ulo ng mga ‘yan” ang sinabi ni Casio. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here