MANILA, Philippines – SINIBAK sa puwesto si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio at kasalukuyang nasa ilalim ng administrative investigation kasunod ng sinasabing mistreatment sa isang Filipino national sa isinagawang pagsalakay sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bagac, Bataan.
Sa isang text message sa mga Palace reporter, araw ng Martes, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ipinag-utos kay Casio na “explain actuations in writing.”
May isa kasing footage si Casio kung saan sinampal nito ang isang POGO worker sa isinagawang pagsalakay sa (POGO) hub sa Bagac, Bataan noong Oktubre 31.
Ito ang nag-udyok sa PAOCC na magpalabas ng memorandum nagbigay ng mandato sa kanya na magsulat ng isang written explanation sa loob ng 24 oras.
Ipinalabas din ng memorandum kay Casio na sya ay “relieved of [his] responsibilities as spokesperson for PAOCC effective immediately and until the completion of the investigation.”
“The incident occurred following the execution of a Search Warrant at that location and is reported to have been documented, with the footage now circulating on social media platforms,” ang nakasaad sa memorandum.
“Your immediate response is crucial, as it will significantly influence the Office’s consideration of any subsequent actions. It is critical for you to comprehend that any failure to provide your explanation will be deemed a waiver of your right to contribute to this process,” dagdag na wika nito. Kris Jose