Home METRO Parak kumanta sa tanim-ebidensya sa pekeng Batangas buy-bust

Parak kumanta sa tanim-ebidensya sa pekeng Batangas buy-bust

92
0

BATANGAS – Dalawang tauhan ng pulis na sangkot sa buy-bust operation sa San Juan, Batangas na nagresulta sa pagkamatay ng isang drug suspect ay umamin na nagtanim ng shabu at baril na ginamit bilang ebidensya.

Kinilala ang nasawi na si Bryan Laresma, 33, na napatay noong gabi ng Mayo 28 sa isang buy-bust operation sa Barangay Lipahan.

Sa isinagawang pagdinig ng House Committee in Public Order and Safety, unang sinabi ni Police Sergeant Michie Perez ng San Juan Municipal Police Station na binaril niya si Laresma Ddahil una umanong nagpaputok ng baril ang drug suspect.

Sinabi pa ni Perez na nakakuha siya ng mahigit 4 na gramo ng shabu kay Laresma.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig, lumabas na binaril si Laresma sa likurang bahagi ng kanyang binti kaya naging kuwestiyonable ang pahayag ni Perez.

Nauna nang sinabi ng kapatid ni Laresma na hinihintay siya ng una sa ilalim ng tulay para mag-abot ng pera pambili ng rechargeable fan nang dumating ang mga pulis.

Kaugnay nito, nakakita rin ang Batangas Police Provincial Office ng mga iregularidad sa pagsasagawa ng buy-bust operation, na humantong sa administrative relief ng walong pulis.

Dahil sa kakulangan sa oras, tinanggihan ang kahilingan ni Perez para sa isang executive session.

Sa halip, sinabi niya na magsusumite siya ng bagong affidavit dahil may mga lapses sa kanyang nakaraang pahayag sa kanilang operasyon.

Pagkatapos nito ay binawi niya ang mga unang pahayag at kinumpirma niya na hindi nangyari ang buy-bust operation at palitan ng putok ng baril kay Laresma.

Kinumpirma rin niya na walang dalang baril si Laresma nang mangyari ang engkwentro.

Samantala, sinabi ni Police Major Sgt. Juan Macaraig, ng San Juan Municipal Police, na itinanim ni Perez ang shabu at baril sa ilalim ng tulay kung saan napatay si Laresma.

Kinumpirma rin niya na walang buy-bust operation.

Bago sinuspinde ang pagdinig, hiniling sina Perez at Macaraig na magsumite ng affidavit ng kanilang mga bagong claim. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here