Home METRO Parak, sibilyan dedo; manhunt vs NPA ikinasa sa NegOcc

Parak, sibilyan dedo; manhunt vs NPA ikinasa sa NegOcc

338
0

MANILA, Philippines – Ikinasa ng Philippine National Police (PNP) ang manhunt laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na iniuugnay sa pagpatay sa isang pulis at isang sibilyan sa Calatrava, Negros Occidental.

Ayon kay Police Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., acting PNP chief, naganap ang engkwentro noong Disyembre 7 nang pagbabarilin ng anim na armadong lalaki ang 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company habang isinasagawa ang isang operasyon.

Napatay si Police Senior Master Sergeant Rommel Aguilar at ang 58 anyos na sibilyan na si Mando Ugdiman.

Nagpapadala ang PNP ng karagdagang pwersa upang subaybayan ang mga suspek at nangangalap ng ebidensya para sa kaso, habang sinusuportahan ang pamilya ng nasawing pulis. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here