Home METRO Parak utas, 2 sibilyan sugatan sa tangkang pagnanakaw sa Pasay City

Parak utas, 2 sibilyan sugatan sa tangkang pagnanakaw sa Pasay City

255
0

PASAY CITY, Philippines – Patay ang isang pulis nang mabaril sa pinaniniwalaang tangkang pagnanakaw habang naghihintay sa kanyang asawa sa Pasay City dakong alas-8 ng gabi. Sabado, Agosto 23.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue corner Primero de Mayo Street sa Barangay 90.

Ayon sa mga awtoridad, ang biktima ay isang 39-anyos na opisyal mula sa District Tactical Operations Center (DTOC) ng Manila Police District.

Sa CCTV footage, nakita ang biktima na nakaupo sa kanyang motorsiklo habang hinihintay ang kanyang asawa, nang lapitan siya ng isang lalaking naka-helmet mula sa likuran at bumunot ng baril.

Bago pa makapagpaputok ang gunman, nakuha ng opisyal ang sarili nitong armas at nagtangka pang tumakbo. Nagkaroon ng maikling palitan ng putukan, ngunit kalaunan ay nabaril ang opisyal at bumagsak sa sidewalk.

Agad namang tumakas ang suspek.

Sinabi ni Police Col. Joselito De Sesto, hepe ng Pasay City Police, na pagnanakaw ang motibo sa pamamaril.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong patay dahil sa hindi bababa sa apat na tama ng bala ng baril.

Sugatan din ang dalawang sibilyang sakay ng tricycle na nagkataong dumaan sa gitna ng barilan ngunit nasa stable na kondisyon na ito, ayon sa pulisya.

Arestado sa isinagawang hot pursuit operation ng Pasay City Police ang driver ng motorsiklo na pinaniniwalaang tumulong sa krimen.

Ang namaril, gayunpaman, ay pinaghahahanap pa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here