Home TOP STORIES Paratang na may ghost project sa Davao, ikinagalit ng mga taga-Davao

Paratang na may ghost project sa Davao, ikinagalit ng mga taga-Davao

288
0

Davao – Nagpahayag ng saloobin ang mga Dabawenyo sa paratang na mayroong “Ghost Porjects” sa Davao City at sinabi na ito ay pawang paninira lamang.
Pinabulaan ng mga ito ang mga lumalabas na pagdinig sa Komite ng Kamara kung saan pilit inuugnay ang mga Duterte sa mag-asawang kontraktor na Dizcaya.
“Noong araw, pag masama ang panahon ay kinakailangan pa naming tumakbo ng simbahahan lalo pa at malakas ang ulan. Pero nang magawa ang mga dike at seawalls ay panatag na ang pagtulog naming sa gabi. Kaya paanong magkaka-ghost projects sa amin? Paninira lang ito,” patunay ni Jarin Idao mula sa muslim village sa Matina Aplaya.

“Noong 2011 nakaranas kami ng matinding pagbaha subalit ngayon nakakalakad kami ng walang kaba kahit naulan. At hindi naabot ang baha sa aming lugar. Kaya anong ghost projects ang sinasabi nila?” dagdag ni Noria Sabai, isa sa residente.

Sa mga pahayag na lumabas sa mga residente ng Davao City, tila nababalot ang mga ito ng matinding sama ng loob na kung bakit kailangan siraan ang magandang reputasyon ng Dabaw na kilala sa magandang lugar, tourist spot at desiplinadong mga mamamayan.

Ayon sa mga ito, ang proyekto ni Davao City 1st Congressional Rep. Paolo “Pulong” Duterte na binanggit sa pagdinig sa Kamara mula 2016 hanggang 2022 ay matitibay na imprastraktura gaya ng Davao Coastal Road, Maa-Magtuod Flyover, Ulas Viaduct ay mga polido at walang bahid ng kurapsyon kumpara sa mga naglabasan na katiwalaan sa kasalukuyang administrasyon.

“Tama lang si Manong Pulong (Rep. Duterte), ang katiwalaan ay nasa harap na ng mga mambabatas na nag-iimbestiga subalit patuloy nila nililihis patungo ng Davao. Bumaha sa Maynila subalit Davao ang kanilang nais busisiin. Alam namin sa Davao kabutihan ng mga Duterte at tapat na serbisyo,” pagtatapos ng isa sa residente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here