Home METRO Pares vendor itinumba ng kostumer

Pares vendor itinumba ng kostumer

1
0

BATANGAS, Philippines – Pinagsasaksak ang isang pares vendor ng isang hindi nakikilalang kostumer nito matapos na magreklamo sa inorder na pares kagabi sa Barangay Tinga Labak, sa Batangas City.

Kinilala ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Batangas Medical Center ng dakong alas- 10:57 kagabi  sanhi ng mga tinamong saksak sa ibat- ibang parte ng katawan na si alyas Anthony, nasa hustong gulang, Pares vendor, naninirahan sa Purok 1 Barangay Sta Rita Karsada ng nabanggit na probinsya.

Samantalang ang mga hindi nakikilalang  suspek na mabilis na tumakas lulan ng  sasakyan na kulay Asul. na Toyota Wigo na patuloyna tinutugis ng mga awtoridad para panagutin sa kasong pagpatay sa  Pares vendor.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Batangas Component City Police Station sa pinangyarihan ng krimen ng humigit kumulang sa alas-10:00 kagabi  kung saan umorder umano ng Pares ang mga suspek sa biktima subalit matapos kumain ay  nagreklamo ang mga salarin dahil walang laman na baboy ang inorder nilang Pares.

Napag- alaman na humantong sa mainitang  pagtatalo ang biktima at mga  suspek hanggang sa magbunot ng balisong ang isa sa suspek at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima na ikinasawi nito. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here