Home NATIONWIDE Party-list nominees kailangang magbitiw sa pwesto bago campaign period – Comelec

Party-list nominees kailangang magbitiw sa pwesto bago campaign period – Comelec

MANILA, Philippines – Binago ng Commission on Elections (Comelec) ang mga patakaran nito hinggil sa mga party-list nominees na humahawak sa pampublikong tungkulin.

Sa Resolution No. 11065, sinabi ng Comelec en banc na dapat magbitiw sa kanilang mga puwesto ang mga indibidwal na nasa appointive positions na nominado ng party-list group para sa May 2025 elections sa pagsisimula ng campaign period.

“Nominees holding appointive offices, including members of the Armed Forces of the Philippines and employees in government-owned or controlled corporations, shall be considered resigned from their office,” saad sa resolusyon.

Noon ay pinayagan ng Comelec ang mga nominado na manatili sa kanilang mga puwesto kahit tinanggap na ang kanilang party-list nomination.

Gayunpaman, ang kamakailang pagbabago ay kasunod ng petisyon ng election lawyer na si Romulo Macalintal, na hinamon ang Comelec Resolution No. 11045 sa Korte Suprema.

Sinabi ni Macalintal na ang 1987 Constitution ay nagbabawal sa mga empleyado ng civil service na makisali sa electioneering o partisan political activity.

Nakatakda sa Oktubre 1 hanggang 8, habang ang kampanya para sa mga pambansang posisyon, kabilang ang mga senador at party-list group, ay magsisimula sa Peb. 11, 2025 ang panahon ng paghahain para sa Certificate of Nomination at Certificate of Acceptance of Nomination (CON-CAN) ng mga party-list group .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)