MANILA, Philippines – Nagsagawa ng eleksyon ang Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) at nahirang na bagong Pangulo si Rep. Jose “Bong” Teves Jr ng TGP Party-list sa ginanap na eleksyon kahapon sa House of Reprsentatives.
Niliaw naman ng PCFI na ang naganap na eleksyon ay hindi dahil nagbitiw sa pwesto si dating PCFI Chairman at President Zaldy Co bagkus ay nakaiskedyul ang taunang eleksyon.
Nang maluklok sa pwesto, tiniyak ni Teves na ang kanyang magiging liderato ay nakaangkla sa honesty, integrity at genuine public service.
“Through our unity, let us reform everything and restore the true image of the party-list,” pahayag ni Teves.
Ilan pa sa nahalal na bagong opisyal ng PCFI ay ang mga sumusunud: