MANILA, Philippines – Mensahe ng pasasalamat ang nais na ipaabot ng 11 senatorial candidates ng Bagong Alyansa Para sa pagtatapos ng 90 araw na pangamgampanya.
Ayon kay Alyansa Campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco hindi magiging matagumpay ang mahabang campaign period kung wala ang suporta ng taumbayan, mga campaign volunteers, local leaders at media na mula sa unang araw ay nakasuporta.
“As we come to the end of this historic campaign, we want to take a moment to thank everyone who made this journey possible. Sa lahat ng volunteers, local leaders, supporters, at lalong lalo na sa ating mga kababayan na mainit na tumanggap sa amin sa bawat sulok ng bansa, maraming salamat po,” pahayag ni Tiangco na nagpasalamat din sa media.
“We also want to sincerely thank the members of the media for your tireless coverage and fair reporting. You helped bring our message to millions of Filipinos. Hindi magiging ganito kalawak ang abot ng kampanyang ito kung wala kayo,” ani Tiangco.
Sinabi ni Tiangco na kuntento sila sa naging takbo ng pangangampanya ng Alyansa.
“We believe we have built something strong and genuine. We are hopeful that on May 12, the Filipino people will elect a Senate that will help President Marcos deliver on his promises and move the country forward,”ani Tiangco.
Pasasalamat din ang paabot nina Makati Mayor Abby Binay at Panfilo Lacson, anila, malaki ang naging tulong ng mga volunteers at supporters mula simula hanggang pagtatapos ng kampanya. Gail Mendoza