MANILA, Philippines – Naniniwala si Vice President Sara Duterte na magkakaroon ng malungkot na Pasko ang mga Filipino dahil sa corruption scandals sa bansa.
Ito ang sinabi niya nang hingian ng mensahe para sa mga Filipino sa papalapit na Kapaskuhan.
“Well, malungkot ang Pasko natin dahil hindi natin gusto ang mga nangyayari sa ating bansa, lalong-lalo na yung mga iskandalo sa korapsyon at yung pag-aabuso sa posisyon at mga opisina ng gobyerno,” ani Duterte, habang nasa The Hague.
Sa kabila nito ay iginiit ni Duterte na dapat maging matatag ang mga Filipino at patuloy na magkaroon ng pag-asa.
“Pero kailangan natin maging matatag. As Filipinos, we are known to be resilient. Kaya kailangan natin itawid itong Pasko na ito na merong pag-asa sa ating mga puso,” sinabi pa ng Bise Presidente.
“At syempre ipagdasal natin yun na mas maganda ang ating taong 2026 sa kung anuman yung dinaanan natin ngayong 2025.” RNT/JGC