Home METRO Paslit na ibinebenta online nasagip

Paslit na ibinebenta online nasagip

95
0

MANILA, Philippines- Nasagip ng mga awtoridad sa Rodriguez, Rizal ang isang pitong buwang sanggol na ibinebenta ng P35,000 sa social media. 

Ayon sa ulat nitong Miyerkules, sinabi ng mga pulis na ibinenta ng suspek ang paslit sa isang undercover agent sa pamamagitan ng isang legal adoption chat group.

Nagsagawa ng operasyon noong Nobyembre 6 upang masagip ang sanggol. Nadakip din ang 29-anyos na suspek.

“Hindi katanggap-tanggap at nakababahala ang online baby selling dahil hindi nakasisiguro kung napupunta ang bata sa mabuting kamay lalo na sa panahong seryosong usapin ang online child sexual abuse, trafficking in person, organ donation at iba pang uri ng exploytasyon,” pahayag ni National Authority for Child Care (NACC) undersecretary Janella Estrada. 

Mula Mayo ng taong ito, nasaklolohan ng mga awtoridad ang anim na bata at dahil sa pinaigting na surveillance, 14 Facebook groups at accounts na sangkot sa ilegal na pagbebenta ng mga sanggol at illegal adoption ang natanggal.

“We also ensure na mai-report sa mga law enforcement agencies so that ma-track down din ‘yung mga groups and ma-penalize who are the perpetrators of these acts,” ani Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Irene Dumlao. 

Bukod sa pangangalaga sa mga nasagip na bata, nagsasagawa rin ng interbensyon ang DSWD sa mga magulang ng mga nailigtas. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here