MANILA, Philippines – Isang pitong taong gulang na batang lalaki ang patay na nang matagpuan makaraang napaulat na nawawala isang araw bago natagpuan sa isang ilog ng Barangay San Francisco F De Castro, General Mariano Alvarez, Cavite.
Ayon sa report, kinilala ang bata na si Gamaliel Altura, 7 taong gulang, na nakatira sa B1, L26 P1 Sunshine Homes Brgy. Francisco De Castro, ng nasabing bayan.
Base sa report ng pulisya, bandang 2:30 ng hapon ng Abril 14, 2026 nang inireport ng kamag-anak na nawawala ang biktima.
Dito na nakipag ugnayan ang GMA Police sa lokal na pamahalaan para sa Rescue Team sa paghahanap sa nawawalang bata na umano’y may karamdaman sa pag-iisip ayon sa mga kaanak nito.
Makalipas ang isang araw, Abril 15, 2026 ganap na alas-3:20 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon mula sa Patrol Beat 5 kaugnay sa natagpuang batang lalaki sa ilog ng nasabing lugar.
Dito mabilis na pinuntahan ng mga awtoridad ang ilog na kinumpirma na rin ng mga kamag anak na iyon ang batang biktima na nawawala.
Sa teorya ng pulisya posibleng naglalaro ang bata malapit sa lugar at aksidenteng nahulog ito at nalunod na naging sanhi ng ikinamatay.
Patuloy pa rin ang pag imbestiga ng oulisya sa insidente upang malaman ang naging dahilan kung bakit napunta ang bata sa ilog o sadyang nalunod lamang ito na naging sanhi ng ikinamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA