Home METRO Paslit natagpuang patay sa tubig-baha sa loob ng bahay

Paslit natagpuang patay sa tubig-baha sa loob ng bahay

156
0

LEGAZPI CITY- Patay ang isang dalawang taong gulang na babae na nahulog mula sa hagdan at bumagsak sa binahang ground floor ng kanilang bahay sa bayan ng Baao sa Camarines Sur nitong Sabado, base sa mga pulis nitong Linggo.

Iniulat ng Baao police na hinahanap ng ina ng bata ang kanyang anak nang mapansing nawawala ito bandang alas-3 ng hapon, kung saan natagpuan itong nakalublob sa tubig-baha.

Isinugod ang bata sa pinakamalapit na ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Hindi pa naibibilang ang bata sa mga nasawi sa Bicol region dahil kay Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami), dahil maraming lugar ang lubog pa rin sa baha mula noong Martes. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here