Home METRO Paslit patay sa bugbog ng amain

Paslit patay sa bugbog ng amain

SAN PEDRO LAGUNA- TUGIS ngayon ng mga awtoridad ang 33-anyos na lalaki matapos mapatay sa bugbog ang 5-anyos nitong stepson noong Martes sa bayang ito.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang batang lalaki sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at namuo ang dugo.

Batay sa report ng San Pedro Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ng ina ng biktima para pormal na magsampa ng kaso laban sa kanyang kinakasama na itinago sa pangalan Nonoy.

Kwento ng ina, wala siya sa bahay ng mangyari ang insidente dahil naghahanap siya ng pambili ng gamot para sa anak (biktima) na noo’y may sakit.

Subalit, pag-uwi niya ng bahay naabutan na lamang niya ang kanyang dalawa pang menor de edad na mga anak at sinabi ang nangyari sa biktima na dinala ito sa ospital ng suspek.

Sa sumbong ng mga kapatid sa kanilang ina, sinuntok ng kanilang amain (suspek) ang biktima at hinataw pa ng bote sa ulo hanggang sa nagpagulong-gulong ito sa hagdanan.

Dahil sa takot ng suspek nagawa pa niyang isugod sa ospital ang saka tumakas.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang pagtugis ng pulisya sa suspek na nahaharap sa kasong homicide at physical injuries./Mary Anne Sapico