Home ENTERTAINMENT KC, G sa pagiging magkaibigan nina Sharon at Gabby!

KC, G sa pagiging magkaibigan nina Sharon at Gabby!

Manila, Philippines – Excited na si KC Concepcion sa nalalapit na Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na magaganap sa Mall of Asia. Sabi niya, pangarap niyang makita muli ang mga magulang na magkasama sa stage na masaya ang mga ito.

Ayon pa kay KC, mixed emotions ang kanyang nararamdaman nang makarating sa kanya na may gagawing project ang kanyang mga magulang. Lalo na raw nang i-announce na ng mga magulang ang date at title ng kanilang concert.

Dear Heart ang title ng unang movie na pinagsamahan nina Sharon at Gabby nu`ng 1981.

Sabi ni KC, “Guys, alam n`yo, ako lang ang anak nila. So, I don`t think na nararamdaman ng iba yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions siya. But of course, nananaig yung happiness ko kasi pangarap ko kasing makita yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, at magkaibigan.

“So hopefully, guys, ipag-pray nating lahat na ito na yung start ng friendship nila. Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don`t get me wrong. Hindi na. Pero just para happy, yung light lang. Ma-feel ko lang na (ganu`n). Kasi parents ko yan, eh. I always say para sa lahat, it`s a show. Pero para sa akin, guys, totoong buhay ko ito!” say ni KC.

Paliwanag pa niya, “I`ve been through my parents…their marriages now are not their first marriage. Di ba, it`s not the first time na ikinasal yung mommy ko or yung papa ko. So yun palang, meron na akong mga experience na nao-observe. So I think, it really helped me sa heart na dinala ko sa role ko. Hindi mo puwedeng i-limit yung sarili mo. Lahat puwede. So whether good, whether bad, hopefully good, you just do your best to enjoy the ride.”

Siguradong nakaka-relate din ang mga kabataan na naghiwalay ang kanilang magulang sa nararamdaman ngayon ni KC kahit na sa stage lang magkakasama ang kanyang mga magulang na masaya at nagkukuwentuhan.

May comment pala ang mga fans na bumili ng ticket sa Dear Heart concert nina Sharon at Gabby.

Sila raw ay bumili ng ticket kahit mahal bilang suporta sa concert nina Sharon at Gabby.

Pero bakit ‘yung mga kaibigan at kakilala ng Megastar na can afford naman bumili ng P18k+ na presyo ng tickets ay ayaw bumili at gusto ng complimentary?

Hay naku! Gerry Ocampo