Home ENTERTAINMENT Nikko, na-outside de kulambo ng asawa!

Nikko, na-outside de kulambo ng asawa!

Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram, naghimutok si Nikko Natividad dahil sa dusang dinanas niya sa piling ng kanyang misis na si Cielo Eusebio.

Aniya, napagtanto raw niyang mahirap palang matulog sa garahe dahil pinapak siya ng lamok.

Gets naman ng netizens ang emote niya na pinalayas o na-outside de kulambo siya ng kanyang maybahay.

Ang post niya ay kaugnay ng pagkapikon ng kanyang kabiyak sa video greeting ni Enrique Gil na kasama ng aktor sa pelikulang ginagawa nito.

Sa video, hindi natuwa si Cielo dahil sa halip na mukha ni Enrique ang makita habang nagbibigay ng mensahe ay ang mukha ni Nikko naka-focus sa camera.

Ani Cielo, ito ang unang pagkakataon na napikon siya nang sobra kay Nikko.

Marami naman ang naaliw sa hanash ng aktor at may mga naka-relate rin sa tampuhan nilang mag-asawa. Archie Liao