Home ENTERTAINMENT Vice, binisto ang tinga ni Kim!

Vice, binisto ang tinga ni Kim!

Manila, Philippines – Hindi kinakitaan ng pagkapikon si Kim Chiu nang ibuko ni Vice Ganda sa programa nilang It’s Showtime ang tinga nito sa ngipin.

Kim was about to announce the criteria for judging in one of the show’s segments nang mapansin ng co-host na si Vice Ganda ang nakadungaw na “tinga” nito.

Bagama’t biglang na-conscious, nakiusap si Kim sa direktor na huwag nang i-close up ang bibig niya habang nagsasalita.

“Malaki ba?” tanong ni Kim patungkol sa kanyang tinga.

“‘Di bale, tatakpan ko na lang ng mic habang nagsasalita…direk, please huwag mo nang kunan!” pakiusap ng Chinita princess.

Hirit naman ni Vice Ganda: “Ano ba kasi ang kinain mo, malunggay?”

Makikitang tinakpan ni Kim ang kanyang bibig habang inaalis ang tinga sa pamamagitan ng dila.

“Meron pa ba?” tanong niya sa mga kapwa hosts.

Ani Vice Ganda: “Smile ka nga,” na siya namang ginawa ni Kim, who was assured by the Unkaboggable Star: “Wala na ‘yung dahon…pero natira ‘yung tangkay!”

At muling nagmaktol ang nahihiyang si Kim.

Banat naman ni Tyang Amy Perez: “At least, kumakain ka ng gulay!” short of saying there was nothing to be ashamed of.

Hirit naman ni Vhong Navarro, para raw tuluyan nang matanggal ang tinga sa ngipin ni Kim: “O, sino sa inyo ang may mahabang kuko? Pakisungkita nga!”

At dahil si Kim ang in-assign na host for the announcement of the criteria ay na-deliver naman niya ang kanyang spiels.

‘Yun nga lang, in between her delivery ay tumatawa ito dahil hindi niya kayang bigkasin ang sasabihin because of the dental obstruction.

At least, sport si Kim! Ronnie Carrasco III