Home NATIONWIDE Signal No. 1 itinaas sa Batanes sa pag-landfall ni Hanna sa Taiwan

Signal No. 1 itinaas sa Batanes sa pag-landfall ni Hanna sa Taiwan

MANILA, Philippines- Nananatiling epektibo ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa Batanes nitong Lunes ng umaga sa pag-landfall ni Bagyong Hanna (international name: Haikui) sa Kaohsiung City sa Taiwan, ayon sa PAGASA.

Kaninang alas-4 ng umaga, ang sentro ni Hanna ay tinatayang 265 km northwest ng Itbayat, Batanes o sa bisinidad ng Kaohsiung City.

Mayroon si Hanna na maximum sustained winds na 120 km/h malapit sa sentro center, gustiness hanggang 165 km/h, at central pressure na 975 hPa.

Kumikilos ito sa south southwestward direction patungo sa southwestern Taiwan.

Makararanas ang Batanes ng malakas na hangin sa loob ng 36 oras na may wind speeds na 39 hanggang 61 km/h.

Inaasahang lalabas si Hanna ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa sunod na anim hanggang 12 oras, base sa PAGASA.

Samantala, pinalalakas ni Hanna angSouthwest Monsoon (Habagat) na magdudulot ng occasional to monsoon rains sa kanlurang bahagi ng Luzon at Antique sa sunod na tatlong araw.

Makararanas ng gusty conditions will sa mga sumusunod na lugar:

  • Lunes: Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, the southern portion of Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian, Kalayaan, at Cuyo Islands, at malaking bahagi ng Calabarzon, Bicol Region, at Western Visayas.

  • Martes: Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Abra, Benguet, Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, Kalayaan Islands, Camarines Provinces, at malaking bahagi ng CALABARZON.

  • Miyerkules: Batanes, Ilocos Norte, western portion ng Pangasinan, at Kalayaan Islands

Pinairal naman ng PAGASA ang gale warning sa seaboards ng Northern Luzon, western at southern seaboards ng Luzon, at sa western seaboard ng Visayas.

Ito ay dahil sa pinagsamang impluwensya ni Hanna at ng Southwest Monsoon.

Inaasahang hihina si Hanna bilang isang severe tropical storm sa sunod na anim hanggang 12 oras dahil sa interaksyon sa “rugged terrain” ng Taiwan.

Tsaka ito unti-unting kikilos sa west northwestward direksyon patungo sa Taiwan Strait habang humihina, pagkatapos ay magla-landfall sa katubigan ng Guangdong o Fujian, China sa Martes ng umaga o hapon.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices na magsagawa ng kaukulang hakbang upang mapangalagaan ang buhay at pagmamay-ari. RNT/SA