Home METRO Paslit tigok sa pinakuluang tubig

Paslit tigok sa pinakuluang tubig

MISAMIS ORIENTAL – Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki sa Cagayan de Oro City matapos aksidenteng mabuhusan ng bagong kulong tubig.

Base sa imbestigasyon, nagpakulo ng tubig ang ama para sana pantimpla ng gatas ng kanyang anak na biktimang kinilalang si Cody Ryan Balili.

Sa pagbuhos ng ama ng pinakulong tubig sa isang lagayan bigla na lamang itong nagulat dahil sa sigaw ng bata na inaabot pala ang nasabing lagayan.

Wala naman ang ina ng biktima na napag-alamang nasa ibang bansa. RNT