Home NATIONWIDE Pasok sa eskuwela, trabaho, suspendido ngayong araw sa malakas na ulan, posibleng...

Pasok sa eskuwela, trabaho, suspendido ngayong araw sa malakas na ulan, posibleng pagbaha – Malakanyang

305
0

MANILA, Philippines – Dahil sa malakas na ulan at posibeng pagbaha, suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa pampubiko at pribadong paaralan at sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong araw ng Lunes Setyembre 1, 2025.

Ito ang naging deklarasyon ng Malakanyang para sa mga lugar gaya ng Albay, Antique, Bulacan, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Catanduanes, Laguna, Masbate, Metro Manila, Negros Occidental, Northern Samar, Occidental Mindoro, Pampanga, Quezon, Rizal at Sorsogon.

Sa FB page ng Presidential Communications Office (PCO), pinapayuhan nito ang lahat na mag-ingat, iwasan ang mga mapanganib na lugar, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng pamahalaan.

Ang desisyon na ito ng Malakanyang ay bilang tugon sa naging rekumendasyon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairperson at DND Sec. Gilbert Teodoro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng suspensyon sa public at private schools sa lahat ng antas at maging sa trabaho, ngayong araw.

Samantala, ang mga ahensiya naman na responsable sa mga pangunahin at mahalaga at health services at maging sa preparedness at response operations ay dapat na manatiling operational upang matiyak na nagpapatuloy ang ‘essential government functions’ sa kabila ng anumang suspensyon sa trabaho.

Ang non-vital government personnel ng mga ahensiyang ito ay maaaring maisama at maging abala sa ilalim ng aprubadong alternative work arrangements. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here