Home METRO Pasok sa eskwela suspendido, curfew hours pinaigting sa Maynila – Yorme Isko

Pasok sa eskwela suspendido, curfew hours pinaigting sa Maynila – Yorme Isko

328
0

MANILA, Philippines – Upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Maynila, ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang suspensiyon ng physical classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan ngayong Lunes, Setyembre 22.

Inatasan din ng Alkalde ang lahat ng paaralan na ipatupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng pagsuspinde sa klase.

Nag-ugat ang suspensiyon dulot ng mga naganap na kaguluhan sa iba’t-ibang lugar sa Maynila kung saan karamihan sa mga sangkot ay pawang mga kabataan kasabay ng isinagawang malawakang protesta kontra korapsiyon.

Bukod sa suspensiyon, iniatas din ni Domagoso ang pagpapaigting sa pagpapatupad ng curfew hours sa lungsod ng Maynila kung saan magsisimula ito alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw para sa edad 17 pababa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here